Ang Mga Nakakaibang Kultura at Tradisyon ng Aprika (Mikaela Lee)

df0b24_b7e0f2b90a4e42a4bce074604587ba62

     #TulaysaPakikipagugnayangGlobal

     Ang  Aprika ay mayaman at mayroon maraming iba’t ibang kultura at tradisyon. Karamihan sa Kultura ay nagbibigay diin sa pamilya o grupo ng mga ethniko. Ang mga tao sa Aprika  ay nagbibigay halaga sa kanilang mga kuktura at tradisyon. Kahit mayroon sila kaibahan parang ang pagsasalita ng iba’t ibang  lengguwahe, tinatanim nila sa puso ang kanilang alamin sa tradisyon at kultura nila at hindi nila ito kinakalimutan.

 

Ito ay ang mga  halimabawa ng kultura sa Aprika . Isa sa kultura nila ay dudukutin ang iyong nobya o asawa. Sa Sudanese Latuka tribu, dudukutin ng lalaki ang babae kung gusto ng lalaki makipagasawa sa kanya. Ang mga nakakatanda na myembro sa pamilya ng lalaki ay pumunta sa tatay ng babae para humingi ng biyaya para mapangasawa niya ang babae. Pagsumangayon ang tatay, tataluhin niya manliligaw kasi ito ay nagpapakita ng pagtatanggap sa pamilya. Pag di sumangayon ang tatay,ang lalaki ay magpipilit na mapapangasawa niya ang babae. Panggalawa ay ang Khweta Seremonya. Ang seremonya na ito ay ginagawa ng maraming tribu at ito ay nagpapatunay ng pagkalalaki ng isang lalaki. Pag tumanda na sila o umabot sa isang edad, sila ay dadaan sa mga delikado na ritwal. Isang halimbawa ay pagsasayaw ng patuloy tuloy hanggang sila ay mapagod. Pangatlo ay ang yaman ay nasusukat sa baka. Sa Pokot Tribe, ang kayamanan ay nasusukat sa gaano karami ang baka na mayroon sa isang pamilya. Karamihan sa Pokot na tao ay “mais tao” o “baka tao”. Ito ay nagsasabi na ito ay ang mga binubuhay nila sa kanilang lupain. Gaano karami na babae na mapapangasawa ng isang lalaki ay nalalaman sa karamihan ng baka.

download

     Ang tradisyon ng Aprika ay napapakita sa maraming paraan. Dalawang halimbawa ay musika at pagsayaw. Musika ay isang paraan sa pag komunikasyon. Ang mga kanta ay nagagamit sa kasal, pagpapanganak, pangangaso at iba pa. Ito din ay ginagamit sa pagaalis ng mga masamang espiritu at bibigay respeto sa mga mabuting espiritu, patay at mga ninuno. Ang instrumento na laging ginagamit ang tambol ng Afrika (african drum). Ito ay nagpapakita ng emosyon ng mga tao at ang tugtog ay ang “Tibok ng puso ng kommunidad”.  Ang pagsasayaw ng mga tao sa Aprika ay gumagamit ng mga kilos na may simbolismo, maskara, damit at pintura ng katawan para makipagusap. Ang kilos ng sayaw ay pwede maging simple o komplikado. Pagsasayaw ay nagpapakita ng kasiyahan o kahirapan o lungkot.

Lahat tayo ay naiiba. Ang ating mga tradisyon at kultura ay dapat natin bigyan halaga kasi ito ay nagpapatunay kung lubos natin mahal ang lugar na saan tayo nangaling o lumaki. Sama sama tayong magmahal sa mayroon natin at  ibahagi sa ibang tao na walang kaalaman ang mga alam natin parang ang tradisyon at kultura.

Guide, A. (n.d.). African People and Culture. Retrieved July 18, 2017, from https://www.africaguide.com/culture/

(2015, September 22). African Culture – 16 most interesting traditions. Retrieved July 18, 2017, from http://africa-facts.org/african-culture-16-most-interesting-traditions/

African Traditions. (n.d.). Retrieved July 18, 2017, from http://www.victoriafalls-guide.net/african-traditions.html

Leave a comment